8 tripulante sa nasunog na cargo vessel sa Sorsogon, ligtas – PCG

Ligtas ang walong tripulante ng nasunog na cargo vessel sa Castilla Anchorage Area sa Brgy Poblacion, Castilla, Sorsogon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), lahat ng mga tripulante ng MV Ken ay nasa maayos na kundisyon matapos maganap ang insidente kaninang alas-11 ng umaga.

Batay sa pahayag ng mga tripulante, nagsimula ang sunog sa mess hall ng barko.


Inaantabayanan naman ng PCG Headquarters ang pinakahuling impormasyon sa firefighting operations ng Philippine Navy, PCG, at Bureau of Fire Protection (BFP).

Kasama sa rumesponde para apulahin ang sunog ang Federico Martin na isa sa sasakyan pandagat ng Navy katuwang ang mga tripulante ng MV Ken at MV Anabelle.

Facebook Comments