8 West African na miyembro ng drug syndicate, arestado sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila

8 West African na miyembro ng bigtime na sindikato ng droga ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila.

Kasama ng Bureau of Immigration (BI) ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pag-aresto sa mga dayuhan sa Las Piñas at Makati City.

Sila ay pawang overstaying na at nakatakdang ipa-deport sa kanilang mga bansa.


Kabilang sa mga naaresto si Mohamoud Mouhoumed Mohamed, isang Djibouti national, kung saan nakuhanan pa ito ng iligal na droga.

Sa ngayon, ang mga dayuhan ay nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang pending ang kanilang criminal trial at deportation proceedings.

Facebook Comments