80-anyos biyuda, ginahasa umano ng magsasaka sa Palawan

4182
Stock photo

Arestado ang isang magsasakang nanggahasa umano sa 80-anyos na biyuda sa Aborlan, Palawan, iniulat ng pulisya nitong Martes.

Kabilang sa tribong Tagbanua ang biktima na pauwi na matapos manguha ng nipa nang mangyari ang krimen.


Sinasabing kinaladkad ng 42-anyos na suspek ang lola sa madamong lugar at doon ginahasa.

Nagsumbong sa awtoridad ang biktima na sinamahan ng kanyang anak nitong Biyernes.

Inihahanda na ang kasong isasampa sa suspek.

Facebook Comments