Tuloy-tuloy ang pag-monitor ng Department of Trade and Industry Pangasinan sa mga pamilihan sa lalawigan kaugnay pa rin sa pagsunod sa Executive Order 39 ng pamahalaan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay DTI Provincial Director Natalia Dalaten na nagkaroon na ng pagtaas sa pagsunod o compliance ang mga rice retailers sa lalawigan kung saan sa kanilang datos pumalo ito sa 80% compliance rate sa loob ng apat na raw nilang pag-inspeksyon at umabot na sa higit isandaang mga rice retailers ang sumusunod sa kautusan.
Sinabi pa ni Dalaten na prayoridad nilang iniinspeksyon ang mga key areas gaya ng mga lungsod ng Dagupan, Alaminos City, Urdaneta City at San Carlos City.
Dagdag pa ng opisyal, nasa 58% compliance rate naman ang naitala sa mga bayang binisita ng ng ahensya.
Kaunting sakripisyo lang din ang hinihingi ng ahensya sa mga ito dahil isa itong batas.
Pinawi naman ng opisyal ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapatala sa mga Municipal Agriculture Office upang makakuha ng inihahandang subsidy o ayuda sa mga maluluging rice retailers.
Umaasa naman ang opisyal na sa mga susunod na araw ay tataas pa ang pagsunod ng mga rice retailers dahil naiintindihan naman anila ang mga ito.
Ikinalugod naman ng ahensya ang pagsunod ng ibang nagbebenta ng bigas sa inilabas ng pamahalaan. |ifmnews
Facebook Comments