80 iba pang akusado sa Maguindanao Massacre, hindi pa rin nahuhuli

‘hindi pa rin tapos ang laban’

Ito ay dahil nasa 80 suspek pa rin ang hindi pa rin nahuhuli sa kaso ng Maguindanao Massacre.

Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ng mga pamilya ng biktima, hindi naging madali ang mga taong nagdaan.


Mula aniya sa mga pulis na tumangging magpa-imbestiga hanggang sa mga testigong bumaligtad at pinatay.

Pero tiwala si Roque na malakas ang mga ebidensya para madiin ang mga ampatuan na siyang mga pangunahing akusado sa kaso.

Kabilang sa mga patuloy na tinutugis ay ang kapatid ni Andal Ampatuan sr. na si Datu Kanor Ampatuan, na sinasabing kasama sa pagpaplano at pagkasa ng karumal-dumal na masaker.

Facebook Comments