80 iba’t-ibang klase ng mga walang lisensyang baril nakumpiska ng PNP sa mga kilalang indibidwal sa Cavite

Kabuuang 80 iba’t-ibang klase ng unlincensed na  baril ang nakumpiska ng Cavite Police Provincial Office mula sa mga prominenteng mga indibidwal sa lalawigan ng Cavite.

 

Ayon kay Calabarzon Regional Director Police Chief Supt. Edward Carranza, 28 sa mga baril ay nakuha mula sa pag-iisyu ng search warrant at pag-sasagawa ng checkpoint operation.

 

Kabilang sa inisyuhan ng search warrant ay isa sa Barangay Captain ng Dasmariñas City na si Barangay Captain Jaime P. Hembrador.


 

Isinuko rin ng ilang pulitiko at iba kilalang indibdiwal sa Cavite ang kanilang mga baril na umabot sa  52 piraso.

 

Sinabi naman ni Cavite Police Provincial Office Provincial Director Sr. Supt. William Segun isinagawa ang focused operation laban sa mga illegal firearms simula buwan ng Pebrero hanggang ngayong Marso.

 

Sa ngayon nasa safekeeping ang mga armas at maibabalik sa mga may-ari sa oras na makapag renew na sila ng kanilang lisensya.

Facebook Comments