Dumalo ang aabot sa walumpong kabataan sa bayan ng Bayambang para sa natapos na Special Program for the Employment of Students Orientation.
Layon ng SPES na magbigay tulong sa mga estudyante at kanilang pamilya upang kumita para makadagdag sa pantustos sa kanilang pag-aaral lalo na sa papalapit na pagbubukas ng limited face-to-face classes at upang maging isa ring oportunidad na malinang ang kanilang kaalaman sa pagtatrabaho habang sila ay nakabakasyon sa eskwela.
Ayon kay Lizlee C. Puzon ng DOLE-Dagupan, P492.25 ang magiging minimum rate per day ng mga SPES beneficiaries. 60% ng kanilang sasahurin ay manggagaling sa LGU, samantalang ang 40% naman ay mula sa DOLE, kaya sa loob ng 20 araw ng kanilang pagpasok sa trabaho, bawat isa ay makakatanggap ng P9,845.
Samantala, nakatakdang ideploy ang mga bagong hire na SPES sa iba’t ibang opisina ng LGU para sa kanilang temporary employment. | ifmnews
Facebook Comments