80 KILOS NG GALUNGGONG NA UMANO’Y NALAMBAT SA ILLEGAL FISHING ACTIVITY SA CAGAYAN, NAKUMPISKA

Cauayan City, Isabela – Nakumpiska ng mga otoridad ang dalawang styro boxes na naglalaman ng humigit kumulang 80 kilos ng round scad o galunggong na umano’y nalambat sa illegal fishing activity sa baybayin na sakop ng Brgy. Centro 5, Claveria, Cagayan.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang Municipal Agriculture Office ng Claveria na sinasabing may illegal activity sa lugar kaya’t agad itong tinugunanng mga kasapi ng Coast Guard Sub-Station Claveria katuwang ang CGK9 team Claveria .

Nang makarating sa lugar, namataan ng grupo ang isang fishing banca na FB Zanaya at may isang sakay na crew na kinilalang si G. Maynard Oňate,32-anyos at residente ng Brgy. Centro 5, Claveria, Cagayan.

Nagsagawa kaagad ng boarding inspection ang mga awtoridad kasama ang Municipal Agriculture Officer at Fish examiner.

Hinihinalang nakuha ang mga isda gamit ang explosives kaya’t nagsagawa ng fish examination Municipal Agriculture Officer and Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) para patotohanan ang impormasyon.

Nai-turn over na sa Municipal Agriculture Office ang mga nakumpiskang isda para sa kaukulang aksyon.

Nagpositibo naman sa ginawang pagsusuri ng BFAR Claveria na nakuha ang mga isda gamit ang pampasabog.

Facebook Comments