80-million won, nakumpiska sa dalawang Korean nationals sa NAIA

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 80-million won o katumbas ng P3,221,120 mula sa dalawang pasaherong Korean nationals.

Ang dalawang pasahero ay dumating sa NAIA 1 sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-467 mula South Korea.

Ayon naman sa BOC, maari naman umapila ang mga dayuhan sa kanilang Law Division Office.


Gayunman, pag-aaralan anila ito ng Customs kung balido ang kanilang dahilan sa hindi pagdedeklara ng dala nilang 80-million won o mahigit 3.2-million pesos.

Facebook Comments