80% ng ECQ ayuda, naipaabot na sa mga benepsiyaryo sa NCR plus – DILG

Naipamahagi na ang nasa 82.14% ng ₱22.9 billion na inilaang cash aid sa mga residenteng apektado ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR plus.

Sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang miyembro ng gabinete, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na nasa 18,822,713 beneficiaries ang nabigyan ng ayuda.

Kabuoang halagang na-disburse sa mga benepisyaryo ay nasa ₱18.8 billion pesos.


Ang mga residente mula sa National Capital Region (NCR) ay nakatanggap na ng ayuda na nasa higit ₱9.2 billion para sa 9.2 million beneficiaries.

Facebook Comments