80% ng mga estudyante sa tertiary level, target mabakunahan bago matapos ang Nobyembre

Target ng Commission on Higher Education (CHED) na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 80% ng mga estudyante sa tertiary level sa buong bansa sa katapusan ng Nobyembre.

Ayon kay CHED Chairman Popoy de Vera, ang orihinal na target nila ay mabakunahan ang lahat ng college students sa bansa.

Pero sa ngayon, nasa 30% pa lamang ng mga estudyante at 70% ng mga faculty members ang nakakatanggap ng bakuna sa mga universities at colleges sa buong bansa.


Dahil dito, hinikayat ni De Vera ang mga Higher Education Institutions (HEIs) na makipag-ugnayan na sa kanilang kinabibilangang Local Government Units para Ssila ay mabakunahan.

Facebook Comments