Nakabalik na ang 80% ng mga customer at tumaas na rin ang benta ng mga negosyo tulad noong pre-pandemic time.
Ito ang inihayag ni Trade Sec. Ramon Lopez.
Ayon kay Lopez, nakabalik na ang 80% at tiyak na mas tataas pa ito ngayong panahon ng Pasko hanggang Bagong taon.
Samantala, bukas naman ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mungkahing bawasan ang distansyang ipinatutupad para sa social distancing.
Mula sa isang metrong distansiya, iminumungkahi na gawin itong .75 meters.
Ani Lopez, malaking bagay ito para madagdagan o maitaas pa ang operating capacity ng mga tindahan.
Sa ngayon aniya ay wala naman silang namo-monitor na reklamo laban sa karamihan ng retail establishments.
Kaugnay nito, naniniwala ang ahensya na hindi na kailangan pang mag-Alert Level 1, dahil sa ngayon kahit na Alert Level 2 ay halos bukas na rin naman na lahat ang mga negosyo.