80% ng mga Pinoy sa Sri Lanka, tumatangging umuwi ng Pilipinas sa kabila ng economic crisis doon

Aabot sa 80 porsyento ng mga Pilipino sa Sri Lanka ang tumatangging sumailalim sa repatriation.

Sa harap ito ng patuloy na economic crisis doon kung saan nagkakaroon na ng shortage sa supply ng pagkain at langis.

Ayon sa Association of Filipinos in Sri Lanka, nais nilang manatili na lamang sa Sri Lanka kaysa umuwi ng Pilipinas dahil wala namang naghihintay sa kanilang trabaho sa bansa.


Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng assessment sa sitwasyon ng mga Pinoy doon ang Rapid Response Team na pinadala ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments