80% ng mga Pinoy, satisfy sa pagtugon ng administrasyong Duterte kontra COVID-19; Palasyo, ikinatuwa ang balita

Mayorya ng mga Pinoy ang nagpahayag ng kasiyahan o “satisfaction” sa administrasyong Duterte sa pagtugon nito sa laban kontra COVID-19, ayon sa inilabas na resulta ng Global Polling Firm Gallup (GA-LUP) International Association.

Batay sa poll na isinagawa mula Abril 6 hanggang 8, nasa 80 porsyento ng mga Pinoy ang naniniwalang maayos na napangasiwaan ng pamahalaan ang krisis sa COVID-19.

Habang 18 porsyento ang nagpahayag na hindi sila nasiyahan sa pagtugon ng pamahalaan at dalawang porsyento ang “ambivalent”.


Kasabay nito, 86 porsyento naman ang nagpahayag ng kanilang “willingness” o pagpayag na “magsakripisyo” para sa kanilang karapatang pantao para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Habang 12 porsyento ang hindi sumang-ayon at dalawang porsyento ang hindi makapag-desisyon.

Samantala, ikinatuwa ng malakanyang ang resulta ng nasabing poll kung saan mayorya ng mga Pilipino ay nasisiyahan sa pagtugon ni pangulong duterte sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magandang balita ito para sa administrasyon kaya malaki ang pasasalamat ni Pangulong Duterte sa lahat ng nakibahagi sa naturang sarbey.

Facebook Comments