80% ng vaccination data ng mga LGUs, hawak na ng DICT

Tinatayang nasa 70% hanggang 80% na ng vaccination data ng mga lokal na pamahalaan ang bahagi sa database ng VaxCertPh.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Information and Communications (DICT) Officer-In-Charge Emmanuel Caintic na patuloy ang koordinasyon ng mga local official sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para dito.

Nagkaroon na rin aniya ng mga karagdagang tauhan para sa encoding ng data, maging sa paghahabol ng backlog, kaya’t bumibilis na ang pagpapasok ng mga datos.


Ayon pa sa opisyal, inaasahan na sa susunod na tatlo o apat na buwan, nasa 90% na ng vaccination data ng LGUs ang nakapaloob na sa kanilang database.

Kaugnay nito, nagpaalala naman ang opisyal sa publiko na kumuha na ng kanilang VaxCert card, lalo’t kalulungsad lamang ng DICT sa updated version ng card na ito kung saan upgraded maging ang security features.

Facebook Comments