Cauayan City, Isabela- Personal na inabutan ng tulong ng kapulisan ang tinatayang nasa 80 mahihirap na pamilya sa Lungsod ng Santiago.
Pinangunahan mismo ni PBGEN Crizaldo O Nieves, Regional Director ng Police Regional Office (PRO2) kasama ang ilang opisyal ng PRO2 at City Director ng Santiago City Police Office para sa pagsasagawa ng Lingkod Bayanihan in Barangay partikular sa Naggasican, Santiago City.
Nakatanggap ang mga kwalipikadong pamilya ng grocery packs mula sa kapulisan.
Bukod dito, nagtungo rin ang grupo ni RD Nieves sa Barangay Baluarte, Santiago City para naman sa “Pabahay para kay Lolo at Lola” project na kung saan ay isang mag-asawa ang benepisyaryo nito.
Ipinasakamay na ni PBGen. Nieves kay Ginoong Sabino Gamido, isang garbage collector ang bagong tayong bahay at binigyan rin ang mag-asawa ng mga Blankets, beddings, lutuan at grocery items.
Sinabi naman ni PBGen Nieves na ang nasabing proyekto ay layong mabigyan ng bahay ang mga pamilyang kabilang sa ‘poorest of the poor’.
Habang ang Lingkod Bayanihan program ng Police Regional Office 2 ay bilang inisyatibo at tulong ng kapulisan sa mga mamamayang kabilang pa rin sa mahihirap.