80 percent ng buong pwersa ng PNP fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa 179,848 PNP personnel ang fully vaccinated kontra COVID-19.

Ayon kay Philippine National Police-Administrative Support to COVID-19 Task Force (PNP-ASCOTF) Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ang bilang na ito ay 80 percent ng kabuuang pwersa ng PNP.

Habang may 36,711 PNP personnel naman ang nakatanggap na ng first dose.


Sa ngayon ayon kay Vera Cruz, mayroon na lamang 6,001 mula sa kabuuang 222,560 pwersa ng PNP ang hindi pa nababakunahan.

Kumpiyansa naman si Vera Cruz na kanilang makukumbinsi ang mga ito para magpabakuna at matatapos ang vaccination sa PNP ngayong Oktubre.

Facebook Comments