80 Pinoy, stranded pa rin sa Gaza

Nananatiling stranded sa Gaza Strip ang 80 Pilipino.

Ayon kay Foreign Affairs Undersec. Eduardo de Vega, naghihintay pa rin ang naturang mga Pinoy na mabuksan ang exit points.

Sa ngayon ay hindi pa rin pumapayag ang Israel na mabuksan ang mga border crossing partikular ang Rafah.


Tiniyak naman ni De Vega na sa susunod na linggo ay agad na makakauwi ng Pilipinas ang ikatlong batch ng Pinoy repatriates mula Israel.

Facebook Comments