Napili ang Barangay Bagong Silangan sa Quezon City sa ikalawang proyekto ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Metro Manila sa ilalim ng “Buhay sa Gulay” project.
Nasa 80 residenteng benepisaryo ang isasamang pagyayamanin ang pitong ektaryang lupain.
Layon nito na mabigyan ang mga residente ng barangay ng matatag at tuloy-tuloy na suplay ng iba’t ibang uri ng mga gulay sa buong taon.
Sinabi ni DAR Undersecretary for Support Services Office Atty. Emily Padilla na ang Barangay Bagong Silangan ay kauna-unahang lugar na napili sa QC.
Isang kompetisyon ang inihanda ng DA para mga residenteng benepisyaryo.
Ang mga benepisyaryo ay hinati sa limang grupo kung saan sila ay pinagkalooban ng kani-kanilang parte ng lupa na kanilang lilinangin at pagyayamanin.
Ang bawat koponan ay magkakaroon ng hindi hihigit sa siyam na garden plots na binubuo ng isang parsela.