Inihayag ni Department of Transportation o DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na 80 sa 120 mga bagon na binili ng gobyerno noong 2017 ay hindi magamit dahil may water leak.
Sa briefing sa House Committee on Transportation ay sinabi ni Chavez na ito rin ang dahilan kaya delay ang pagtakbo ng LRT Line 1 Cavite Extension na mula Roosevelt station sa Quezon City hanggang sa Bacoor, Cavite.
Sabi ni Chavez, binili ang nabanggit na mga bagon sa Mitsubishi CAF na isang Spanish Company pero dahil sa restrictions noong 2021 dahil sa COVID-19 pandemic hindi ito nasuri ng ating technical team bago dinala sa bansa.
Ayon kay Chavez, bunsod nito ay nagpasaya ang Marcos Jr., administration na huwag bayaran ang Spanish-Japanese contractor na Mitsubishi-CAF.
Binanggit ni Chavez na pinagsusumite din nila ang kompanya rectification plan para sundin po kung ano ang nasa kontrata na nagkakahalaga ng 12-bilyong piso kung saan 6-bilyong piso na umano ang naibayad ng gobyerno.
Tiniyak ni Chavez na ang contractor ang sisingilin sa gastos sa pagpapaayos ng naturang mga bagon at inaaral na rin ang liquidation damages dahil sa delay.