Umabot na sa 145 tolenada o katumbas ng 80 truck ng campaign poster ang nakolekta ng Metro Manila Development Authority (MMDA) mula pa noong panahon ng pangangampaniya hanggang nitong Mayo 13.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, kabilang sa mga lungsod sa Metro Manila na may pinakamaraming campaign wastes ay.
Manila – 30,000 piraso
Quezon City – 25,000 piraso
Parañaque City – 13,000 piraso
Makati – 10,400 piraso
Caloocan – 8,000 piraso
Pero kung kabuuang dami aniya ng campaign waste sa buong bansa ang pag-uusapan, wala itong panukat.
Facebook Comments