800 gusali na kinubkob ng maute group, target ng AFP sa kanilang clearing operations

Manila, Philippines – Pinag-igting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang clearing operations sa mga lugar na kinubkob ng Maute terror group.

Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesperson, Lt/Col. Jo-Ar Herrera – higit-kumulang 800 gusali pa ang kailangan nilang bawiin mula sa kalaban.

Aniya, aabot pa sa mahigit 80 miyembro ng Maute ang nananatili sa mga gusali.


Sinabi pa ni Herrera – aabot pa sa higit 300 sibilyan ang naiipit sa bakbakan.

Hiniling naman ni Herrera ang pang-unawa ng publiko sa pagsasagawa nila ng air strikes.

Sa huling datos ng AFP, nasa 366 na terorista na ang napatay habang 87 naman sa hanay ng gobyerno.

Nasa 39 na sibilyan naman ang nasawi sa bakbakan habang higit 1,700 rito ang nasagip.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments