Nasa 841 mga paaralan sa bansa ang ginagamit ngayon bilang mga vaccination site.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma na ang nasabing bilang ay nadagdagan pa mula sa 500 mga paaralan na una nang ginamit bilang jab sites.
Ayon pa kay Asec. Garma, ngayong nalalapit na ang pag-arangkada ng bakunahan sa mga edad 5 hanggang 11 taong gulang nakahanda ang DepEd kung kakailanganin pang magdagdag ng mga paaralan bilang vaccination sites.
Ang kanilang regional directors na aniya ang nakikipag ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) hinggil dito.
Nasa kanilang pagpapasya na rin kung ilang personnel ang kaya nilang i-commit upang makatulong sa vaccination program ng pamahalaan.