Manila, Philippines – Hindi muna pinauwi ang aabot sa 800 pamilya mula sa tatlong barangay sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander, Col. Romeo Brawner – kinakailangan munang ipagpaliban ang pagbabalik ng mga residente bukas dahil sa isyu ng seguridad.
Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulu’y-tuloy ang tulong na ibinibigay hindi lang sa rehabilitasyon ng Marawi City kundi pati na rin sa mga nakaligtas sa pananalanta ni super typhoon Yolanda.
Sa huling tala, higit 200,000 pa na mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Yolanda ang hindi pa nakakatanggap ng ayuda.
Facebook Comments