Sinabi ni DENR Region 2 Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan na ang aktibidad ay ang kauna-unahang synchronized collaborative Oplan Baklas sa Region 2 kung saan ang mga ahensyang kasama rito gaya ng DENR, Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police, Department of Public Works and Highways, Department of the Interior and Local Government at Philippine Army ay magkatuwang na pinag-aalis ang illegal na nakakabit sa ipinagbabawal na lugar.
Aniya, ang mga inalis na materyales sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Batanes ay itinurn-over sa Commission on Elections (COMELEC) para sa tamang disposisyon kung saan ire-recycle ang mga ito upang mabawasan ang mga basurang napupunta sa mga sanitary landfill.
Inatasan naman ang mga field officials na ipagpatuloy ang pagbabantay sa mga posibleng lalabag sa kautusan kahit na matapos pa ang election period.