Kinumpirma ni National Task Force COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na nagagawa na ngayon ng mga COVID-19 testing centers na makapag-test ng 8,000 hanggang 10,000 person under investigation (PUI) kada araw.
Ito, aniya, ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan na palakasin pa ang kakayanan na magsagawa ng expanded testing.
Sa ngayon sinabi ni Galvez na mayroon lamang 17 mga COVID -19 testing centers sa bansa.
Pero mayroon, aniyang, 57 mga ospital ang sumasailalim sa assessment ng Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para maaprubahan bilang COVID-19 testing centers.
17 sa 57 mga ospital ay nasa stage 5 na ng proseso ng accreditation.
Samantala, inihayag rin ni Galvez na mga bagong mega quarantine facilities ang itinayo sa labas ng Metro Manila.
Ito ay ASEAN Convention Center sa Clark Pampanga, New Clark City Government Building at New Clark City Athletes’ village sa Capas Tarlac.
Dito dadalhin ang mga COVID-19 patients na manggaling sa Pampanga, Tarlac at mga lugar sa Region 3.