Tinatayang na 8,000 Pilipino ang nadagdag sa bilang ng mga nawalan ng trabaho kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble.
Sa datos ng Department of Labor and Employment – Bureau of Local Employment (DOLE-BLE) nitong March 31, umabot sa 118,210 ang total displaced workers.
Ayon kay DOLE-BLE Director Dominique Rubia-Tutay, ang mga tinutukoy na “displaced” ay ang mga empleyadong na-retrench o ang mga naapektuhan ng pagsasara ng mga kumpanya.
Sa pagpapatupad ng ECQ Extension, asahang mas marami pang manggagawa ang mawawalan ng trabaho.
Facebook Comments