8,000 pulis, ipapakalat sa BARMM sa May 13 midterm elections

Aabot sa 8,000 pulis ang ipapakalat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa darating na May 13 midterm elections.

 

Ang nasabing pwersa ay bubuuin ng regional standby troops, Special Weapons and Tactics (SWAT) team mula Cotabato City, support units, Regional Mobile Force Battalion at ng PNP Highway Patrol Group.

 

Nasa 628 personnel naman mula sa Bureau of Fire Protection at Armed Forces of the Philippines ang magiging bahagi ng contingency plan.


 

Magsisilbi silang mga backup sakaling may umurong o hindi maganmpanan ng ilang miyembro ng board of elections inspectors ang kanilang tungkukin sa araw ng eleksyon.

 

Una nang inanunsyo ng PNP ang pagde-deploy ng 160,000 mga pulis bilang paghahanda sa election day.

Facebook Comments