Tinatayang nasa pitong libo hanggang walong libong pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30 sa National Museum.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief Police Brigadier General Leo Francisco, nasa 4,400 na pulis ang ide-deploy mula sa kanila habang may karagdagan pang pwersa mula sa National Capital Region Police Office at National Headquarter.
Layon aniya nito na matiyak ang seguridad ang gagawing inagurasyon ng susunod na presidente ng bansa.
Kasabay nito, sinabi ni Francisco na wala silang natatanggap na anumang banta sa araw ng oath-taking ni Marcos pero mahigpit ang kanilang monitoring.
Papayagan din ang kilos protesta basta ito ay sa Freedom Park lang aniya gagawin.