800,000 CUBIC METERS NG DRAGA, GAGAMITING ‘BEACH NOURISHMENT’ SA SABANGAN AT BUENLAG, BINMALEY

Iminumungkahi sa Department of Environment and Natural Resources na gamitin bilang ‘beach nourishment’ ang materyal na nakukuha mula sa pagdadraga sa Agno River.

Ayon kay 2nd District Representative Mark Cojuangco, tinatayang 800,000 cubic meters ng materyal ang aabutin upang maibalik sa dating kalagayan ang kahabaan ng Sabangan at Buenlag Beach sa Binmaley dahil umano sa lumalalang soil erosion.

Dagdag ng opisyal, nasa 38 meters na ng baybayin ang nabura o kinamkam ng dagat mula 2004 at posibleng higit pa.

Matapos pahintulutan ang pagdadraga sa Agno River at iba pang kailugan sa Pangasinan, ang materyal na nakukuha dito ay pinaniniwalaang makakatulong din upang maiwasan ang pagbaha sa mga kabahayan.

Una nang imungkahi ng kongresista ang paglalaan ng 13 million cubic meters upang gawing libreng tambak sa mga coastal communities sa mga bayan ng Lingayen at Binmaley.

Layunin na manumbalik sa dating kalagayan ang mga baybayin upang protektado pa rin ang mga komunidad sa mga kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments