800,000 doses ng COVID-19 vaccine, tatanggapin ng Pilipinas mula sa US

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na tatanggap ang Pilipinas ng 800,000 hanggang 1 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa surplus o stockpile ng Amerika.

Ayon kay Romualdez, posibleng Moderna o AstraZeneca ang inaasahang darating na mga bakuna sa susunod na buwan o sa Hulyo.

Ang halos 80 milyong doses ng bakuna ay ido-donate ng Amerika sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan kabilang na rito ang Pilipinas.


Sa ngayon, paliwanag ni Romualdez ay kasama na ang Pilipinas sa booster shots na idine-develop habang nakapag-reserve na rin ang Pilipinas ng 15 milyong doses para sa susunod na taon.

Maliban sa Pilipinas, kasama sa mga kapuluang bibigyang donasyon ng US ay ang Latin America, Caribbean, Asia at Africa.

Facebook Comments