802 million pesos na cash subsidy para sa mga PUV operators, naipamahagi na!

Aabot sa 802.8 million pesos ang naipamahagi ng pamahalaan bilang ayuda sa operator ng 123,517 Public Utility Vehicles (PUVs) sa buong bansa.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang ayuda ay para sa public transport operators at mga drayber na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Sinabi ni LTFRB Chairperson Martin Delgra na ang P802.8 milyon disbursements nitong December 3, 2020 ay nagre-representa ng 87.52 percent ng inilatag na P1.158 bilyong ayuda sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act of 2020.


Tiniyak ni Delgra na patuloy ang pamimigay ng subsidiya sa mga PUV operators na lubhang apektado ang kabuhayan ng kasalukuyang pandemya.

Facebook Comments