CAUAYAN CITY- Naipamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Angadanan ang 804 relief containers sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Pepito.
Ang naturang relief packs ay nagmula sa Quick Response Fund ng Angadanan kung saan pinangunahan ni Municipal Mayor Joelle Mathea Panganiban ang pamamahagi kasama ang iba pang opisyales ng munisipalidad.
Kabilang naman sa nabigyan ay ang 319 family heads sa Brgy. Salay, 211 family heads sa Brgy. Mabuhay, at 274 family heads sa Brgy. Allangigan.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng 3.75 kilos ng bigas, 6 na iba’t ibang delata, 6 na packs ng noodles, 10 twin packs ng kape, at 5 packs ng biscuit.
Kaugnay nito, patuloy naman ang isasagawang pamamahagi ng LGU Angadanan sa mga apektadong pamilya sa kanilang nasasakupan.
Facebook Comments