Ginunita kahapon sa lalawigan ng Pangasinan ang paglanding ni General Douglas Macarthur sa Lingayen Gulf sa Capitol Grounds, Lingayen, Pangasinan.
Kasabay nito ang obserbasyon ng ika-18th na Pangasinan Veterans Day kung saan binigyang pagkilala ang 25 Pangasinense na World War Veterans Heroes. Dumalo sa naturang programa si DILG Undersecretary Pablo Lorenzo.
Isang misa ang idinaos na sinundan ng Pag-alalay ng bulaklak sa rebulto at ang 21-gun salute na siyang tradisyon bilang pagkilala at respeto sa mga magigiting na beterano noong world war II.
Pinasalamatan naman ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang mga ito sa kontribusyon at kagitingan ng mga beteranong Pangasinense.
Samanatala, umaasa ang mga beterano na patuloy pa silang mabibigyan ng suporta, pagpapahalaga sa kanilang naging ambag at hindi malimutan ng susunod pang henerasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments