81 baboy sa Guiginto, Bulacan, pinatay matapos makitaan ng sintomas ng Hog Cholera at ASF

Walumpu’t isang (81) baboy ang pinatay sa Guiginto, Bulacan matapos makitaan ng sintomas ng Hog Cholera at African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Municipal Veterinarian Dr. Eduardo Jose, sinuri ang mga naturang baboy sa pamamagitan ng blood test saka pinatay at ibinaon sa lupa.

Nangangamba naman ang mga supplier ng baboy na mapapatigil at malulugi ang kanilang negosyo.


Nakatakda namang makipag-ugnayan sa Bureau of Animal Industry (BAI) ang Municipal Veterinary Office para mas malawak ang inspeksyon sa iba pang piggery sa lugar.

Samantala ayon sa Bai, wala pang kumpirmasyon kung ASF ang dahilan ng pagmatay ng maraming baboy.

Facebook Comments