81% CRIME SOLUTION EFFICIENCY NG PNP PANGASINAN, NAITALA

Naitala ng Philippine National Police-Pangasinan Provincial Police Office (PNP-PPPO) ang 81.1% na rate ng pagpapahusay sa paglutas ng krimen para sa taong 2024 sa lalawigan.

Ayon Kay Lieutenant Colonel Radino Belly, hepe ng Police Operations Management Unit, na ang nasabing porsyento ay nangangahulugang 3,692 kaso ang nalutas mula sa kabuuang 4,553 na naitalang krimen mula Enero 1 hanggang Disyembre 15, 2024.

Ipinaliwanag ni Belly na ang 3,692 nalutas na kaso ay kinabibilangan ng 376 index crimes, 1,611 non-index crimes, at 1,705 insidente ng mga paglabag sa batas trapiko.

Idinagdag pa niya na sa mga kaso na may sapat na ebidensya ngunit hindi pa nahahanap ang mga suspek, umabot sa 99.1% ang rate ng pagpapahusay, na tumutukoy sa 311 index crimes, 465 non-index crimes, at 44 vehicular incidents.

Siniguro naman ng pulisya na mas paiigtingin pa ang kampaniya nito sa mga krimen upang mapanatili ang peace and order sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments