MANILA – Para kay senator bam aquino, maituturing na isang pambansang kahihiyan ang pagkasangkot ng pilipinas sa pagnanakaw ng pera ng Bangladesh na nagkakahalaga ng 81 million dollars o may katumbas na halos apat na bilyong piso.Dahil dito ay iginiit ni Sen. Bam na dapat maibalik sa Bangladesh ang kanilang salapi lalo pa’t katulad natin ito ay isang bansang nangangailangan din.Nakakahiya ayon sa senador, na ang mga kapwa natin pilipino ang lumalabas na nagnakaw ng nasabing malaking halaga ng salapi.Kumbinsido si sen aquino na hindi lang tatlo ang mga indibidual na nagsagawa sa nabangit na money laundering acitvity.At wala aniyang dapat maabswelto sa mga sangkot sa naturang krimen, kahit pa ilan sa mga ito ay nangakong ibabalik ang bahagi ng salapi ng Bangladesh na kanilang natanggap.Sa pagdinig kahpon ay tiniyak ng negosyanteng chinese national na si Kim Wong na ibabalik nya ang 4.63 million dollars mula sa pera ng bangladesh at ang 450 million pesos na bahagi nyo na pinambayad sa utang sa kanyang ng kaibigang junket operator.Sa hearing din kahapon ay sinabi ng solaire na freeze nila ang 107 million pesos mula sa account sa casino ng junket operator na si Ding Shishi, at may salaping nakumpiska sa kwarto nito na nagkakahalaga ng 1.3 million pesos.Una rito ay nangko din ang philrem remmitance corporation na ibabalik nila ang mahigit 10-milyong pisong kinita sa pagassist para maconvert ang nabanggit na salapi sa piso at maideliver sa mga recepeint nito sa mgq casino.Pero sa pagdinig kahapon, iginiit ng negosyanteng si kimwong na nasa poder pa ni philrem ang halagang 17-18 million dollars na bangladesh money, bagay na mariing itinanggi ng magasawang michael at salud bautista na may ari at nagpapatakbo ng philrem
81 Million Dollar Money Laundering Case, Maituturing Na Isang Pambangsang Kahiniyan
Facebook Comments