81 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Balanga City; 77 dito mga bilanggo

Aabot sa 81 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Balanga City, Bataan.

Batay sa latest report ng Balanga City Health Office (CHO), 77 sa mga kaso ay mga bilanggo.

Agad namang dinala ang mga ito sa isang pasilidad sa Barangay Tenejero habang sa iba’t ibang barangay sa Balanga City ang apat na iba pa.


Sa ngayon, umabot na sa 152 ang active cases ng COVID-19 ng lungsod.

786 ang kabuuang bilang ng nagpositibo, 619 ang nakarekober o gumaling at 15 ang mga pumanaw na.

Facebook Comments