
Pwedeng humingi ng kompensasyon ang 81-yrs old retired technician na si Prudencio Calubid Jr., matapos itong mapiit dahil napagkamalang consultant ng National Democratic Front of the Philippines.
Ang pahayag ay kasunod ng utos ng Court of Appeals na palayain si Calubid mula sa Manila City Jail, matapos lumabas sa desisyon na nagkulang sa “due diligence” ang mga operatiba ng pulisya sa kanyang pag-aresto.
Ayon sa CA ruling noong June 27, pinaboran ang writ of habeas corpus na inihain ng anak ni Calubid, matapos mapatunayan na napagkamalan lamang ito ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa isang target na kapangalan niya ngunit walang “Junior” sa pangalan.
Naaresto si Calubid sa Olongapo City noong December 2024 dahil sa hinalang siya ay isang rebeldeng komunista na may patong sa ulo na P7.8 million
Ayon kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III sa ngayon, hindi pa niya personal na nababasa ang kabuuang desisyon ng Apellate Court.









