Umabot na sa 81,000 Filipinos abroad ang nakatanggap ng cash, food at medical assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa DOLE, nasa 81,388 Filipino migrant workers ang binigyan ng one-time $200 cash assistance sa ilalim ng AKAP program, food packs, face masks, at gamot sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Offices.
Nasa 3,637 Filipinos sa Asia Pacific region, 66,271 sa Middle East at Africa, at 9,403 sa Europe ang nakatanggap ng food at medical relief.
Samantala, sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 5,184 overseas Filipinos ang tinamaan ng COVID-19, 2,694 ang nagpapagaling, 2,151 ang gumaling, at 339 ang namatay.
Facebook Comments