Aabot sa 82 aspirants sa pagkapangulo sa 2022 election ang posibleng ideklarang nuisance candidates.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, mula ito sa kabuuang 97 naghain ng kandidatura sa pagkapangulo mula October 1 hanggang 8.
Ang motu propio cases ang ihahain laban sa nasabing mga indibidwal alinsunod sa Section 69 ng Omnibus Election Code
Sa bise-presidente naman, aabot sa 15 sa kabuuang 29 aspirants ang idedeklarang nuisance habang 108 sa kabuuang 176 sa pagkasenador.
Sa Disyembre inaasahang maipalalabas ng Comelec ang listahan ng mga kwalipikadong kandidato para sa eleksiyon 2022.
Facebook Comments