82% ng mga Muslim, nagdadasal ng Salah ilang beses sa isang araw – SWS Survey

Nasa 82% ng mga Muslim ang nagdadasal ng Salah ilang beses sa isang araw.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), tinanong ang Muslim respondents kung ilang beses silang nagdadasal ng Salah.

Lumabas sa survey na 53% ng mga Muslim ang nagsabing ginagawa nila ito limang beses sa isang araw, 29% naman ang nagsabing ilang beses lamang sila nagdadasal, 16% naman ang nagsabi ng minsan lang, habang dalawang porsyento ang nagsabing higit isang taon na ang nakararaan.


Bukod dito, nasa 28% ng non-Muslim respondents ang nagsabing madalas silang nagdadasal sa isang araw, 39% ang nagsabing isang beses lang sa isang araw, 17% lamang ang nasabing ginagawa lamang nila ito kada linggo, 9% ang naghayag na bawat buwan lamang sila nagdadasal habang tatlong porsyento ang nagsabi na nagdadasal sila ‘occassionally.’

Nasa 38% ng mga Pilipino ang nagsabing sobra silang relihiyoso, 50% ang nagsabing sakto lamang ang pagiging relihiyoso nila, 10% naman ang minsan lamang maging relihiyoso habang 2% ang hindi relihiyoso.

Ang survey ay isinagawa mula November 21 hanggang 25, 2020 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult respondents.

Bukod sa mga Muslim, kasama rin sa respondents ay mga Katoliko, Iglesia ni Cristo at mga Christians.

Facebook Comments