82% ng mga Pilipino, tiwala sa resulta ng 2022 elections ayon sa Pulse Asia Survey

Walo sa bawat sampung Pilipino ang naniniwala sa resulta sa resulta ng nagdaang eleksyon ngayong taon.

Batay ito sa survey na isinagawa ng Pulse Asia kung saan 82% ng mga respondents ang nagsabing malaki ang tiwala nila sa naging resulta ng 2022 national at local elections.

Ayon sa Pulse Asia, nakapagtala ng highest trust rating ang Mindanao na may 96% habang pinakamababa ang naitala sa natitirang bahagi bahagi ng Luzon na may 73%.


Tanging 4% lamang sa mga respondents ang hindi tiwala sa naging kinalabasan ng halalan habang 14% ang hati pa ang pakiramdam sa naturang usapin.

Lumalabas din sa datos ng Pulse Asia na 89% ng mga respondents ang nasiyahan sa automated voting system na ginamit sa pamamagitan ng vote counting machines.

Isinagawa ang survey ng Pulse Asia noong June 24 hanggang 27 kung saan 1,200 Filipino adults ang kinapanayaman.

Nauna nang sinabi ng Commission on Elections na walang dayaan na naganap sa nagdaang May 9 elections.

Facebook Comments