820 Barangay sa Probinsya ng Cagayan, Idineklarang ‘Persona-Non-Grata’ ang mga NPA

86

*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa 820 na barangay sa Probinsya ng Cagayan ang nagdeklara ng Persona-Non-Grata sa mga rebeldeng grupo maliban sa deklarasyon ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay Provincial Director PCol. Ariel Quilang ng Cagayan Police Provincial Office, sinabi nito na lahat ng Cagayanos ay sumusuporta sa pagdedeklara sa nasabing mga komunista kasabay ng kautusan ni Pangulong Duterte sa ilalim ng EO 70.


Tiniyak naman ni PCol. Quilang na ang pagbisita ng hanay ng kapulisan sa mga barangay kaugnay sa “Bisita ni PD at COP sa Barangay” ay magpapatuloy partikular sa mga malalayong barangay.

Samantala, pinuri naman ng matataas na opisyal ng pulisya ang inisyatibo ng Cagayan Police Provincial Office upang mapaigting ang kampanya laban sa mga militanteng grupo.

Facebook Comments