Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 828 na Local Government Units (LGUs) sa buong bansa na naihabol sa deadline ang pamamahagi ng unang bahagi ng tulong pinansiyal sa mga mahihirap na pamilya sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, kabilang sa mga LGU na ito ay nasa Cordillera Administrative Region, 38 sa Ilocos Region, 31 sa Cagayan Valley, 36 sa Central Luzon, 63 sa CALABARZON, 62 sa MIMAROPA, 70 sa Bicol, 114 sa Western Visayas, 52 sa Central Visayas, 95 sa Eastern Visayas, 71 sa Zamboanga Peninsula, 17 sa Northern Mindanao, 26 sa Davao Region, 32 sa SOCCSKSARGEN at 65 sa Caraga.
Inatasan ng kalihim ang naturang LGUs na dapat ay i-liquidate na ang pondong ipinagkatiwala sa kanila at kaagad mag-ulat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Hinikayat ni Año ang iba pang LGU na bilisan ang pamamahagi ng SAP para sa kapakanan ng kanilang mahihirap na nasasakupan na higt na naapektuhan ng pandemya ng COVID-19.
Pinalawig pa ng hanggang ika-pito ng Mayo ang mga lugar na may malalaking populasyon gaya ng Metro Manila, at sa mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan at sa mga lungsod ng Cebu at Davao.
Pinayuhan din ni Año ang mga tumanggap ng SAP na gamitin ito ng maayos upang magtagal hanggang sa katapusan ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.