83 Anyos na Lolo sa Quezon, Isabela, Patay Matapos Gilitan!

137

*Quezon, Isabela- *Naliligo na sa sariling dugo ang 83 anyos na lolo nang ito ay matagpuan sa loob ng kanyang bahay dakong 8:00 kaninang umaga sa brgy Barucboc, Quezon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Pepito Bustamante Bonode at residente ng nasabing lugar.


Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Dennis Matias, hepe ng PNP Quezon, Isabela, duguang nakahandusay ang lolo nang ito ay makita ng kanilang kapit bahay na kanila namang inireport sa PNP.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP, lumalabas na ginilitan sa leeg ang biktima habang ito ay mag-isang kumakain sa loob ng kanyang bahay.

Inaalam na ng PNP Quezon ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo ng pagpatay.

Ayon pa kay PSI Matias, mayroon na silang binabantayang persons of interest na maaaring salarin sa pagpatay sa nasabing biktima.

Facebook Comments