83 MARIJUANA BRICKS, NASABAT NG PDEA R02 SA KALINGA

CAUAYAN CITY – Matagumpay na nahuli ng mga awtoridad ang tangkang pagbenta ng karton-karton na Marijuana sa Bulo, Tabuk City.

Kinilala ang suspek na si Roy Wangi mula Ilbe Nambaran Tabuk City, na umano’y sinubukang ibenta ang mga kontrabando.

Nasamsam mula sa traysikel na ginamit ng suspek ang isang sako at tatlong karton na naglalaman ng marijuana dried leaves and stalks in brick form, P193,000 na ginamit bilang buy bust money.


Kaugnay nito, nakapiit na ngayon ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments