83% ng domestic helpers sa bansa, walang social security benefits – DOLE

Umaabot sa higit 80% ng 1.4 million domestic helpers sa bansa ang walang social security benefits.

Ito ang lumabas sa survey ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Statistics Authority (PSA) na isinagawa noong nakaraang taon.

Batay sa survey, 1,109,411 o 79.2% ng domestic helpers ang walang benepisyo mula sa Social Security System (SSS), 1,130,382 o 80.7% ang walang benepisyo mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at 1,226,149 (87.6%) ang hindi sakop ng Pag-IBIG benefits.


Lumalabas din na higit sa kalahati ng domestic workers ay nakatatanggap ng ibang uri ng benepisyo mula sa kanilang employer tulad ng pamasahe, loans na walang interest, sick leave with pay, vacation leave with pay, birthday gift at personal items.

Paalala ng DOLE na ang mga domestic workers ay formal sector workers at dapat nakarehistro sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG sa ilalim ng Kasambahay Law.

Facebook Comments