Brazil – Naging usap-usapan ang isang 83 year old Brazilian na naglaan ng halos 40 years para irevive muli ang isang 31 hectare na lupain sa Brazil.
Ayon kay Antonio Vicente, gusto niyang ibalik muli ang gubat sa dating ganda nito, bago pa man patayuan ng iba ibang planta at gawing grazing grounds ng mga dating nag mamay -ari nito.
Nabatid na taong 1973 raw nang nagsimula niyang i-restore ang gubat.
Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman at pag-aalaga ng mga hayop ang naging hobby niya na ito sa loob ng apatnapung taon (40).
Ayon kay Vicente, marami man daw ang nagsasabi na walang siyang mapagkakakitaan dito, hindi siya nagsisisi dahil para sa kanya, ang mga halaman na nakikita niya sa gubat ang siyang umano’y naging pamilya niya.
Nabili ni Vicente ang lupa gamit ang halagang binigay ng military government, na layon mag promote ng kaayusan ng gubat at iba pang sektor ng agrikultura.
DZXL558