Inaasahang makokompleto na ang 84 airport projects sa bansa bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kinabibilangan ang mga proyekto ng;
Biliran Airport
Hilongos Airport sa Leyte
Cuyo Airport at Puerto Princesa Airport sa Palawan
Lingayen Airport sa Pangasinan
Tacloban Airport
at Tuguegarao Airport.
Una nang natapos ng DOTr ang 233 proyekto hanggang nitong Nobyembre tulad ng; Bicol International Airport at renovation nito sa Butuan, Siquijor, Catarman, at General Santos City.
Maliban sa airport projects, natapos na rin ng DOTr ang 484 seaport projects kasama ang pagsasaayos at konstruksiyon nito.
Sa Disyembre nakatakdang dumating sa bansa ang mga tren para sa North-South Commuter Railway (NSCR) ng DOTr at Philippine National Railways (PNR).
Papatakbuhin ito mula Tutuban Station sa Manila hanggang Caloocan, Valenzuela, at magtatapos sa Malolos, Bulacan.